Mabuhay!

Ito ay ang opisyal na website tungkol sa bagong teleseryeng "Noli me Tangere". Mag-relax lang at magbasa ng mga iba't ibang artikulong nakapaskil dito. Kung may mga kumento man o suhestyon, pwedeng pwede kayong magpaskil rin dito. Maraming Salamat Po!

Monday, November 8, 2010

Ang Huling Engkwentro

Episode 16: Malaking Sakuna

Habang naghahapunan ang ating mga tauhan ay makikitang walang ganang kumain si Maria Clara. Para makatakas, inimbita niya ang kanyang kaibigan na si Sinang magpiyano. Habang nasa piyano sila, palakad-lakad si Padre Salvi sa loob ng bulwagan at dahil dito ay nagmumukhang multo na siya. Si Maria Clara ay hindi na makapakali dahil gustong gusto na niyang makita si Ibarra habang si Linares naman ay nagdadasal na umalis na ang "multo" na si Padre Salvi. Pagkasapit ng ikawalo ng gabi nagdadasal na ang mga tao noong nakarating si Ibarra. Gustong gusto ni Maria Clara na lumapit kay Ibarra pero pinigilan siya ng pagputok. Saan kaya nagsimula ang putukan? Sino ang nagsimula? Ano na ang mangyayari sa ating mga tauhan? Abangan...


Episode 17: Ang mga Haka-Haka

Hanggang sa kinabukasan ng umaga, ubod ng takot pa rin ang makikita sa buong bayan ng San Diego. Walang kahit isang tao ang makikita sa mga daanan nito at sobrang tahimik ang kapaligiran. Mamaya-maya ay may isang bata na nagkaroon ng lakas na loob na tumingin sa labas at dahil dito ay sumabay na rin ang mga kapitbahay at tumitingin na silang lahat sa labas. Habang sila ay nagtitinginan ay nag-uusap sila at may isang isyu na lumitaw. Ano kaya ang nakita nila sa labas? Anong isyu ang lumitaw? Abangan...

Episode 18: Ang mga Kaawa-awang Natalo

Balisa ang mga guwardya sibil na nasa kuwartel dahil may mga batang naninilip upang makita ang mga nadakip. Nandoon rin ang alferez, direktorsillo, si Donya Consolacion, at isang malungkot na kapitan. Bago mag ika-siyam ay dumating ang kura at kasama nito ang isang umiiyak na batang duguan. Habang tinatanong sina Tarsilo at Ibarra, tinawag ng alferez ang mga guwardya sibil na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay. Ano kaya ang nangyari sa bata? Sinu-sino ang mga bangkay na ipinakita kay Tarsilo? Panoorin...

Episode 19: Ang Isinumpa

Nababaliw ang mga pamilya ng mga nakabilanggo. Sila'y pabalik-balik sa kumbento, kuwartel, at tribunal. Gusto nilang tulungan ang kanilang kamag-anak pero wala silang kapangyarihan upang maibigay ang tulong na iyon sa mga nakabilanggo. Samantala, nagkasakit ang kura at ayaw nitong lumabas at makipaghalubilo sa ibang tao. Ang mga nasalanta naman ng trahedyang ito ay umiiyak, sumisilip sa rehas upang makita muli ang kanilang kamag-anak at natataranta. Habang lahat ng mga ito ay nangyayari, nagising ang isang pastol sa isang panibagong trahedya. Anong bagong trahedya ito? Ano na ang mangyayari sa pag-uugali ng ating mga tauhan ngayong natamaan na sila ng trahedyang ito? Panoorin ngayon....

Episode 20: Ang mga Mapagpanggap

Lumabas sa publiko ang nangyaring trahedya at naka-abot ng Maynila ang balitang ito. Ibang balita naman ang nakalabas mula sa kumbento at dahil dito, maraming mga bayan galing sa iba't ibang panig ng bansa ay dumadalaw and nagpapanayam ukol sa isyung ito. Anong mangyayari sa lipunan ng San Diego ngayong mas naging kalat na kalat ang balitang ito? Abangan...

Episode 21: Ang Kasal ni Maria Clara

Natutuwa si Kapitan Tiago dahil hindi siya nakuryente o nabilanggo, sa ibang salita, walang masamang nangyari sa kanya. Dahil sa "himalang" ito, nagmisa siya sa Mahal na Birhen sa Antipolo. Mamaya-maya ay dumating si Linares kasama ang mag-asawang de Espadana sa bahay ni Tiago. Sila ay nagtalakay ukol sa anong gagawin kay Ibarra at ang pagkasal ni Linares kay Maria Clara at tungkol rin sa iba't ibang isyu. Hindi makapaniwala si Maria Clara sa mga naririnig niya. Ano na ang mangyayari sa pagmamahal nina Ibarra at Maria Clara? Alam na ba ni Ibarra ang kasal nila? Panoorin...

Episode 22: Habulan sa Lawa

Habang tumatakas sila, sinabi ni Elias kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng kanyang kaibigan sa Mandaluyong. Habang nagsasalita sila, sinasabi ni Ibarra na mas nagugustuhan niyang manirahan sa ibang bansa at hindi sa Pilipinas dahil ang buhay niya dito sa Pilipinas raw ay mahirap. Mamaya-maya ay nakarating rin sila sa palasyo ng Heneral at nagkakagulo ang mga bantay roon. Nakakita sila ng isang bangka at ginamit nila ito upang tumakas. Tinago ni Elias si Ibarra habang paparating sila sa tabi ng Polvorista. Pinakiusapan ni Elias ang Polvorista at nakatakas na rin sila. Pagkaalis nila ay nagsasalita muli sina Elias at Ibarra. Subalit, sa umaga ng kinabukasan ay nabungo nila ang palwa ng mga guwardya sibil kaya tinago muli ni Elias si Ibarra. Habang paparating na ang mga guwardya ay nagsimula nang tumakas sina Elias at Ibarra kaya pinagbarilan sila. Tumalon si Elias sa tubig habang nanatili sa bangka si Ibarra. Pagkaalis ng mga guwardya sibil ay mayroon silang napansin na dugo sa tubig. Kaninong dugo kaya ito? Abangan...

Episode 23: Nagpaliwanag si Padre Damaso

Walang halaga kay Maria Clara ang mga mamahaling regalo na ibinigay sa kanya. Ang natatanging may halaga lamang sa kanya ay ang  balitang namatay na raw si Ibarra. Mamaya-maya ay dumating si Padre Damaso upang umasikaso sa pagkasal nina Linares at Maria Clara pero dahil mahal pa rin ni Maria Clara si Ibarra ay tutol siya sa pagkasal niya kay Linares. Dahil dito ay binigyan niya ang pari ng isang pagpipilian, ipasok siya sa kumbento o kamatayan. Ano kaya ang pipiliin ni Padre Damaso? Papatayin ba ni Maria Clara ang sarili niya? Tutukin....

Episode 24: Noche Buena

Sa libis ng bundok ay nakatira ang isang pamilya na namumuhay sa pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang punongkahoy ay makikita ang isang ingkong na gumagawa ng walis tingting, isang dalagang isinisilid ang mga itlog ng manok, dayap, at gulay sa isang basket. May mga batang naglalaro, at isa pang maputlang taong nakaupo sa isang buwal na punongkahoy, si Basilio. Namataan ni Basilio ang kanyang ina na si Sisa at hinabol niya ito. Pumasok sa isang puntod ang baliw na babae at, bago man makapasok si Basilio, ay isinara ito ng mabuti ni Sisa. Upang makapasok, umakyat siya sa sanga ng isang punongkahoy at pumasok siya sa puntod ngunit nahimatay rin siya. Noong nagkamalay siya, nakita niyang walang malay rin ang ina niya at mamaya-maya ay nakakita rin siya ng isang misteryosong  lalaking sugatan. Sino kaya ang lalaking ito? Paanong namatay si Sisa? Tutukin....

Episode 25: Ang Huling Paalam

Noong pumasok si Maria Clara sa kumbento ay pumunta na sa Maynila si Padre Damaso. Isang araw, ay pumanaw na ito dahil may nakakita sa kanyang bangkay sa higaan niya. Pinagsamantala naman ni Padre Salvi ang kumbento na ipinasok ni Maria Clara. Si Kapitan Tiago ay nawalan ng tiwala sa sarili at naging mabisyo sa kanyang pamumuhay. Ano kaya ang nangyari sa iba pang mga tauhan, lalo na si Crisostomo Ibarra? Panoorin at malaman....

Monday, October 11, 2010

Ang Ikalawang Hakbang ng Istorya (Anong mangyayari kaya?)

Episode 8: Ang Mga Rebelde

Pumunta si Elias sa kagubatan upang hanapin si Kapitan Pablo. Siya ay sinamahan ng isang gabay. Noong nagkakitaan sila ay nakikilala nila ang isa't isa. Anim na buwan na kasi silang di nagkikitaan. Ano ang pinag-usapan nila? Anong nangyari pagkatapos? Iniiwan namin ito sa aming manonood... hanggang sa bagong episode....

Episode 9: Sabungan

Tulad sa mga iba't ibang mga bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay may sabungan rin. Makikita rin na ang sabungan ay nakahati sa iba't ibang mga bahagi at sa loob matatagpuan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio, at si Lucas. Mukhang mayroong silang pinag-uusapan pero anuman ito??? Panoorin upang malaman....

Episode 10: Ang Dalawang Donya

Habang sumasali sa mga pagsasabong si Kapitan Tiago, sina Don Tiburcio at Donya Victorina naman ay namamasyal. Habang sila ay naglalakad ay tinitingnan nila ang kapaligiran ng iba't ibang mga pook na pinuntahan nila at sinabi na pangit ang mga bahay ng mga Indio. Habang nangyayari ito, nasalubungan nila sina Donya Consolacion at ang alferez. Pagkatapos ay nakipag-sabayang mamasyal ang dalawang pares. Ano ang nangyari sa kanila pagkatapos? Nanalo ba o natalo si Kapitan Tiago sa kanyang sabong? Abangan...

Episode 11: Mga Talinhaga

Pumunta si Ibarra sa magkakapatid na sina Tarsilo at Bruno ngunit ang una niyang pinuntahan ay ang bahay ni Kapitan Tiago upang sabihin sa kanila tungkol sa pagdedesisyong siya ay hindi na raw excomulgado at gusto rin niyang dalawin si Maria Clara. May sulat rin siya galing sa arsobispo upang patunayin ang mga sinasabi niya. Si Tiya Isabel ay kumakampi sa kanya pero habang tinatawag niya si Maria Clara ay pumunta si Linares, ang bagong kasintahan ni Maria Clara. Ano na ang mangyayari ngayong may kalaban na si Ibarra sa pagmamahal ni Maria Clara? Sino kaya ang mananalo sa kanilang laban? Panoorin at malaman kung ano ang nangyari....

Episode 12: Tinig ng mga Inuusig


Sumakay si Ibarra sa bangka ni Elias at magulo ang isip nito. Nais ni Elias na magkausap silang dalawa. Binanggit ni Elias ang mensahe ni Kapitan Pablo kay Ibarra.
Gusto ni Elias ng mga reporma sa pamahalaan tulad ng paggalang sa dangal ng tao, pangangalaga sa bawat tao, pagbawas ng bilang ng hukbong sandatahan at pagpapahina ng kapangyarihan ng Guwardiya Sibil. Sinabi niya na inaabuso nila ang kanilang kapangyarihan at wala naman silang ginagawang mabuti. Mas mabuti pa raw ang mga munisipalidad na pulis. Pinapalakad sa sindak ang mga mamamayan kaya mas marami ang mga kriminal. Dati, dahilan ng mga kriminal ay kagutuman ngunit sa panahon nila, opresyon na ng awtoridad. Hindi sinang-ayunan ni Ibarra si Elias dahil naniniwala niya na ang mga ito ay kailangan, mga 'necessary evils.'
Ang sumunod na punto ni Elias ay reporma sa simbahan. Sinabi niya na sila ang nag-aaksaya lamang ng pera ng bayan; mga kalupaan at pondo ay binibigay sa mga prayle para sa mga 'relihiyosong gawain.' Ngunit, sinabi ni Ibarra na si Elias ay nadadala lamang ng kanyang emosyon at ang dako ng simbahan ay kailangan ng maliit na maliit na reporma lang. Nalungkot si Elias dahil ayaw ni Ibarrang makipagtulungan sa kanila at iba ang kanyang paniniwala. Gustong malaman ni Ibarra bakit ganoon si Elias kaya hiniling niya na ikwento ni Elias ang kanyang buhay…

Episode 13: Ningas ng Apoy

Sinimulan ni Elias ang kanyang kwento.
Bumalik ang eksena anim na pung taon na ang nakalilipas. May isang tenedor de libro na kasal at may isang anak na lalaki. Ito ay nagtatrabaho sa tindahan ng isang negosyanteng Espanyol. Isang gabi, nasunog ito at hindi alam kung ano ang dahilan kaya pinagbintangan ng Kastila ito. Siya ay bingubug, itinali sa isang kabayo at hinagupit sa bawat kanto at ipinakita sa madla. Pagkatapos noon, siya ay nawalan ng puri at naging kahiya-hiya sa lahat. Lumipat sila sa kabundukan na kung saan wala silang kakilala. Nalungkot ang lalaki dahil sa kawalan ng kabuhayan kaya ito ay nagpakamatay. Nalaman ng awtoridad ito nang maamoy nila ang nabubulok na bangkay ng lalaki. Ang babae ay hinuli at pinagbintangang pinatay ang asawa naawa sila dahil buntis ito kaya inantay itong makapanganak bago ito pinarusahan.
Lumaki ang dalawang anak at ang mas matanda ay naging isang tulisan, na ang pangalan ay Balat. Nais nitong maghiganti kaya siya ay umikot sa buong siyudad upang manunog ng mga bahay at pumatay. Sa kabilang banda, ang mas batang anak ay nag-alaga lang sa kanyang ina. Isang araw, nahuli si Balat, pinatay at tinadtad siya. Tinali ang iba't ibang bahagi ng kanyang katawan sa iba't ibang mga puno sa bayan. Nang nakita ng ina ang ulo ni Balat na nakatali sa isang puno, namatay ito sa takot. Nalaman ng isa pang anak ito at naglayas siya sa malayong lugar. Namasukan siya bilang trabahador sa isang mayaman na taga-Tayabas. Dahil sa sipag at bait niya, hindi nalaman ang kanyang nakaraan at nakapangasawa pa siya sa isang dalaga. Ngunit ang pamilya ng babae ay mayaman, at ayaw sa kanya dahil siya ay mahirap. May nakadiskubre ng kanyang kasulatan at nalaman ang lahat. Nakulong siya, at ang kanyang asawa ay nagsilang ng kambal. Namatay ito dahil sa depresyon. Pinalaki sila ng kanilang lolo at pinaniwalang patay ang kanilang ama. Sila ay nabuhay ng isang masaganang buhay pero isang araw, dahil sa kayabangan ng lalaking kambal, may nagalit na kamag-anak sa kanya at sinabi nito ang kanyang nakaraan. Humingi siya ng patunay at nalaman niya na mula sa matandang katulong nila ang buong katotohanan. At lumala pa nang husto, nalaman din niya na ang matandang katulong na ito ay ang kanyang ama. Iniwan ng kambal ang kanilang buhay at kasintahan at lumayas sila kasama ang kanilang ama. Dahil sa kalungkutan ng iniwan ang kasintahan, naglayas ang babaeng kambal at pagkaraan ng ilang araw, natagpuan ng lalaking kambal itong nakalutang sa ilog. Namatay din ang tatay nila pagkatapos nito. Naging tulisan din ang lalaki at hinahabol ng batas ito.
Sinabi ni Elias na siya ang lalaki at naawa sa kanya si Ibarra. Sinubukan ni Elias na kumbinsihin pa si Ibarra ngunit nabigo siya kaya umalis na lamang ito. Nagkita si Elias at isang lalaki at sinabi ni Elias na tutupad siya sa kanilang usapan.
***
Natanggap ni Linares ang isang sulat galing Donya Victorina na sinabi na dapat siyang magkaroon ng duelo laban sa alferez. Kung hindi ay ilalantad niya ang katotohanan kay Linares. Nag-alala si Linares dahil kilala niya ang ugali ni Donya Victorina at hindi niya alam paano makipag-duelo.
Dumating si Padre Salvi sa bahay ni Kapitan Tiago at hinanap si Maria Clara. Sinabi niya na hindi na ekskomunikado si Ibarra. Natakot si Linares sa balita at nainis si Tiago. Biglang lumitaw si Ibarra at kinausap niya si Sinang. Hinahanap nito si Maria Clara pero gusto niya makausap ito nang solo. Nais malaman ni Ibarra kung galit pa sa kanya si Maria Clara. Sinabi ni Sinang na sinabi ni Maria Clara sa kanya na mabuti pang kalimutan na siya dahil ipakakasal ito kay Linares. Akala ni Maria Clara na may ibang nililigawan si Ibarra. Naging seryoso si Ibarra at tinanong niya kung kailan sila makapag-uusap ni Maria Clara. Sinabi ni Sinang na bukas na lang kaya umalis na siya.

Episode 14: Baraha ng mga Patay at mga Anino

Sa semetaryo...

Nakita ng mga guardya sibil si Elias sa semeteryo. Muntik na mahuli si Elias ng mga guardya sibil. Subalit, matalino si Elias at hindi siya nahuli. Ano ang nangyari sa semeteryo? Ano ang ginawa ni Elias?

Abangan...

Episode 15: Il Buon Di Si Conosce Da Mattina

Inihahanda ang entablado... 

Nag-usap si Padre Salvi at ang Alferez. Sabi raw ni Padre Salvi na may sinabing mahalaga ng isang babae na nag-kumpisal sa kanya. Sinabi raw ng babae na may masasamang mangyayari sa mga tao sa constabularyo. 

Sa isa pang bahay naman, nag-usap si Crisostomo Ibarra at si Elias. Sinabi ni Elias na dapat umalis Ibarra dahil may mga tao na gustong gumawa ng masama sa kanya. Baka ma-frame raw si Ibarra. Sa pagdalos ng usapan, nabanggit ang lolo ni Ibarra. Sa wakas, umalis si Elias na galit.

Bakit kaya sinabi ni Salvi ang sinabi ng babae sa Alferez kahit na sinabi ng babae ang mga ito sa loob ng isang kumpisal? Hindi dapat sinasabi ng mga pari sa iba ang mga natutuklasan sa mga kumpisal. Ano ang masamang pangyayari na darating? Ano ang mangyayari kay Ibarra? Bakit nagalit si Elias? Ano ang kahalagahan ng lolo ni Rizal? 

Abangan...







Wednesday, October 6, 2010

Isang Ekserpto Mula sa Episode 4-5

Itong ekserpto ay galing sa aming iskrip, para sa audisyon ng mga aktor. Kung interesado, pwedeng pumunta sa PICC mula sa  Oktubre 11 hanggang 17 para mag-audisyon. Tumawag lang sa loc. 236 765-987.

Episode 4

May isang malaki at lumang mansion, at sa labas may isang prusisyong nagaganap. May nagsara ng bintana sa loob ng bahay.

Ang sumunod na eksena ay sa loob ng tahanan. May isang babaeng nakasuot ng magarbo ngunit pangit na kasuotan, si Donya Consolacion. 

"Hay nako! Nakakainis ang aking asawa! Ang ganda-ganda ko naman pero ayaw akong ipakita sa buong bayan," sinabi ng Donya.

Pumasok ang isang katulong. "Mam, kailangan niyo po ng-" pero naputol ang kanyang sinabi.

"Ayyyy! Wala, umalis ka nalang!" at tinapon niya ang isang plato sa direksyon ng katulong (pero hindi tinamaan).

Sa kabilang banda, nasa kulungan si Sisa at nag-uusap ang mga guwardiya niya.

"Bakit ba naririto ang babaeng iyan," sabi ng isang guwardiya. Galing pa lang siya sa bakasyon.

"Ah, hindi mo ba alam? Nanggulo siya sa nakaraang pista. Hinawakan din niya ang ketongin. Naku, pare! Baka mahawa tayo!" sabi ng isa.

"Naks naman! Aalis na ako!"

"Oy huwag, nagbibiro lang ako. May trabaho tayo," sinabi ng mas may-alam na guwardiya, pero nagsisinungaling lang siya dahil ayaw niyang maiwan. Huminto ang isa pang guwardiya at si Sisa ay nagsimulang umawit.

"(kanta)"

Nagalit ang isang guwardiya, "Ingay mo! Pwede ba? Manahimik ka!" pero may dumating na katulong.

"Pinapatawag po ang bilanggo ni Donya Consolacion," sinabi ng katulong.

"Hay, buti nga, hindi ko na maririnig ang boses niya," ininsultong sinabi ng parehong guwardiya. Tumayo siya, binuksan ang pinto at ipinalabas niya si Sisa.

"O labas ka na."

"Malaya na ako? Crispin, Basilio, malaya na ako!" sinabi ni Sisa.

"Alis ka na… Baliw…"

Commercial Break

Dinala si Sisa ng katulong sa mansyon ni Donya Consolacion at dumating siya sa kwarto niya.

"Ah, dito ka na, finally. Mag-sing ka na!" sabi ng Donya pero hindi hindi naunawaan ni Sisa ang Ingles (palit sa Espanyol dahil sobrang konting Filipino na tagapanood ay may alam sa Espanyol). Nagalit si Donya Conosolacion dahil hindi sumunod si Sisa sa kanya. "You don't understand anong sinasabi ko? Ako'y Yorofean, I don't spoke your language. Trying my best na me! Oy, guard, tell her nga to kanta na!"

"Sinabi ni Donya Consolacion na kumanta raw. Ito'y isang utos," sabi ng guwardiya. Naintindihan naman ni Sisa kaya kumanta siya (ng kanta sa Noli).

"(Kanta ni Sisa)"

Pero hininto ng Donya ang pagkanta.

"Stop! Nakakalungkot ang kanta mo!"

"Ay, alam pala niya ang Pilipino, haha," sabi ng guwardiya sa isang katulong.

"Ah! I heard that!" Nagalit siya at sinipa niya nag guwardiya. "Alis! You naman, dance! Dance!" sabi niya kay Sisa. Hindi niya naintindihan dahil hindi ito sa Pilipino kaya hindi siya sumayaw. Nagalit ang Donya at kumuha siya ng latigo. Muntik na niyang tamaan si Sisa nang dumating ang asawa niya, ang alferez. Pinigil siya nito.

"Anong ibig sabihin nito? Tigilan mo!" sabi niya.

"Eh, ayaw siya na mag-dance!" sabi ng Donya. Hindi siyang nahihiyang magsalita ng Tagalog sa kanyang asawa.

"Guwardiya, alisin mo ang babaeng (Sisa) ito, bilis," sabi ng alferez sa guwardiya. Inalis ng guwardiya si Sisa sa bahay. "Ikaw naman, Donya, gusto mo ba na magalit ako? Hmmm???"

"Ano bang problema mo?"

"Anong problema ko? Aha!" kinuha niya ang isang papel sa bulsa niya. "Ikaw ang na nagsulat ng itong liham sa mayor, liham na nagsabi na ako'y tumatanggap ng suhol para gawing legal ang pagsusugal dito, no? Hindi ko alam kung bakit hindi kita bugbugin!"

"Sige, subukan mo!"

Nagalit ang alferez at tinapon niya ang isang plato sa kanyang asawa. Hindi tinamaan ang target kaya tinapon niya ang isang kutsilyo. Hindi rin ito tinamaan kaya bumalik sa kwarto ang Donya at sinara ang pinto 'Umalis' na lang ang alferez. Ayun pala, nagtatago lang siya sa labas ng pintuan.

Lumabas ang Donya sa kwarto niya. "Umalis ba ang alferez?" sabi ng Donya sa isang guwardiya.

"Opo, mam."

Binuksan ng Donya ang pinto at sinunggaban siya ng asawa. Nagbugbugan sila (pero hindi ipinakita ang 'fight scene')

Commercial Break

Ang mga tao ng San Diego ay pumunta sa plasa. May mga kwitis (fireworks) at pampailaw ang makikita sa kalangitan. Nagsasaya ang mga tao; may mga tao ring nagsusugal, gaya ng mayor. Samantalang, nag-uusap sina Don Filipo at Pilosopo Tasio.

"Anong gagawin ko?" sinabi ni Filipo. "Tinanggihan ng mayor ang pagbibitiw ko."

"Pagkatapos?" sabi ni Tasio.

"Nag-usap ako sa kanya at sinabi niya na mag-uusap naman kami pagkatapos ng pista."

"Nawa'y tulungan ka ng Diyos."

"Ayaw mo bang manood ng dula?"

"Ayoko ko. Kaya kong bumuo ng sarili kong dula sa isip ko. Haha," sabi ni Tasio na natawa. "Pero, hindi ba nakagugulat na ang mga Pilipino, talagang mapayapa, ngunit mahilig manood ng mga digmaan at away? Hindi ba-" pero naputol ang sinabi niya. Dumating si Maria Clara at ang barkada niya.

"Dito na po pala sina Maria Clara. Makiraan po," sinabi ni Filipo at umalis siya.

Nagsimula ang dula. Lahat ay nanood maliban kay Padre Salvi, na abalang nakatingin kay Maria Clara. Dumating si Ibarra at nang nakita ni Salvi ito, nagalit siya.

"Don Filipo, paalisin mo ang ereheng 'to!" sabi ni Salvi.

"Wala namang panganib, Padre. Siya'y may mabuting relasyon sa aking superyor, at hindi ako ay magtatama sa kanila," sabi ni Filipo.

"Paalam, pero kung hindi mo paalisin iyan, aalis tayo."

"Sori, pero wala sa akin ang awtoridad na paalisin ang mga tao."

Umalis na lang sina Padre Salvi at ang kanyang mga kasama. Ilang minuto pa, dumating ang dalawang manggulong guwardiya.

"May permiso kami galing sa alferez na pahinto ang dula dahil siya at ang kanyang Donya ay nag-away at ngayon, naaabala sila sa pagpapahinga," sabi ng isang guwardiya.

"Hindi pwede," sabi ni Filipo pero nagsimulang manggulo ang dalawang guwardiya. Inatake nila ang mga musikero kaya mabilis silang umakyat sa entablado. Nasira ang mga kagamitan, at ang dula. Natakot at nagtakbuhan ang mga tao. Ang pinal na eksena ay ang barkada ni Ibarra, at nakita rin na kinabahan din sila.

Episode 5

May isang kaguluhan sa plasa dahil nagkaroon ng insidente sa dula dahil sa dalawang guwardiyang inutusan ng alferez na ipahinto ang dula. Nagtakbuhan ang mga tao at nasunog din ang ilang mga kagamitan (parang stampede). Nagdasal si Tiya Isabel sa Latin at muntik na mahimatay si Maria Clara pero nasalop siya ni Ibarra.

"Hulihin ninyo! Hulihin nyo ang dalawang nanggugulong iyan!" sabi ni Don Filipo.

Hinuli ng mga pulis ang dalawang guwardiya at dinala sila sa kulungan. Nagalit ang mga tao at tinapon nila ang mga bato sa dalawang kriminal. 

"Boo! Sunugin mo sila! Diyan lang sila magaling!" sinabi ng isang tao.

"Sunugin din ang alferez at Donya! Sila ang sanhi nito! Boo!" sabi ng isa pa.

Natigil ang gulo at hindi na naulit muli ang dula dahil hindi na kaya pang magtrabaho ang mga aktor at musikero. Samantala, nagtalo ang mga tao kay Don Filipo.

"Pangako ko na magkakaroon ng hustisya! Maghintay lamang kayo," sabi ng bise-mayor. Ayaw pa makinig ang mga tao dahil sila ay sobrang galit na kina Donya Consolacion at alferez. Nakita ng bise-mayor si Ibarra at humingi ng tulong. "Ginoong Ibarra, pakibantayan mo sila habang tinatawagan ko ang pulis!"

"Anong gagawin ko?" sinabi ni Ibarra pero masyado nang malayo si Don Filipo. Tumingin siya sa paligid at nakita ni si Elias sa madla. Tumakbo siya sa kanya at hinawakan sa braso. "Elias, patulong naman! Wala akong kayang gawin," pero umalis na lang si Elias. Nalito si Ibarra.

Commercial Break

Nasa kumbento si Padre Salvi at siya'y nakatingin sa bintana. Muntik na siyang umiyak nang narinig niya ang gulo sa plasa. Tumayo siya at umalis patungo ang plasa. Hinananap ni sina Maria Clara pero bakante na ang kanilang upuan. 

Tumingin siya sa bahay ni Kapitan Tiago at nakita niya si Maria Clara sa bintana. Tiningnan niya ito nang mabuti pero kinuha si Maria Clara ng Tiya Isabel niya kaya nahinto ang pag-iisip ni Salvi. 

Commercial Break

Hindi makatulog si Crisostomo Ibarra. Gumagawa lang siya ng mga eksperimento nang sinabi ng isang katulong na may tao na gustong kausapin siya.

"Pasukin mo siya," sabi ni Ibarra. Ang tao pala ay si Elias, at nagtayo lang siya sa tabi ng pinto. "Ah, ikaw pala. Paumanhim, pero nag-eeksperimento lang ako."

"May masama at magandang balita ako. Ang masama, nagkasakit si Maria Clara, pero hindi malubha."

"Ano ang sakit niya?"

"Lagnat lang. Kung wala nang ipagawa mo sa akin…"

"Salamat, kaibigan, pero may tanong lang ako. Paano mo hininto ang kaguluhan kahapon?"

"Madali lamang. Ang mga lider ng pagkilos ay magkapatid. Ang kanilang tatay ay namatay pagkatapos bugbugin ng mga guwardiya ng alferez. Isang araw, iniligtas ko sila mula sa mga guwardiya, at may utang na loob sila sa akin. Sila ang kinausap ko kagabi at sila ang namahala sa pagpaya ng iba."

"At ang magkapatid na iyon na namatay sa palo  ng ama...?"

"Matutulad sila sa ama. Kapag minsang natatakan ng kasawian ang isang mag-anak kailangang abutin ng kasawian ang lahat ng kasapi. Kapag tinamaan ng kidlat ang isang punongkahoy, nagiging abo ang lahat."

Umalis si Elias at kasabay ng pag-alis nito, may isa pang taong dumating.

"Sino ka?" sabi ni Ibarra.

"Ako is Lucas. Ako ay ang kapatid ng taong namatay sa paggawa ng eskwelahan."

"Ah, paumanhin po, pero ano ang ibig mong sabihin sa akin?"

"Gusto ko lang alamin kung ilang pera ang pwede mong ibigay sa aking pamilya bilang bayad?"

"Pera?" nainis si Ibarra. "Hindi ngayon. Balik na lang sa hapon, wala akong oras ngayon."

"Walang oras? Walang oras para sa mga patay?"

"Sa hapon na lang, maaari ba? Kailangan ko na magbisita sa isang may sakit na kaibigan."

"Mas may prioridad mo ang mga maysakit sa mga patay? Dahil lang mahirap tayo.." pero nahinto siya ni Ibarra.

"Huwag mong ubusin ang aking pasensya."

"Talagang masasabi ko na ikaw ang apo ng lalaking pumatay ng aking ama. Parehong dugo! Pero, kung ikaw ay magbabayad nang tama, kaya naming maging kaibigan!" at umalis siya.

Episode Synopsis

May na miss-out na episode? Wag mag-alala, nandito ang inyong gabay para sa teleseryeng "Noli Me Tangere

Episode 1: Ang Mga Tsismoso


Naging popular na sa buong bayan ang pangyayaring naganap sa tanghalian. Sinasabi-sabi ng mga taong bayan kung anong nangyari habang ang iba na walang alam ay nagtatanong. Habang may mga taong kumakampi kay Damaso, mayroong rin mga taong tumanggol sa mga aksyon ni Ibarra at sinasabi na hindi tama ang pagpipilit ng relihiyon bilang isang "parusa o penitensiya". Bumabalik ang eksena doon sa pangyayaring iyon. Si Damaso ay nagsesermon at ang mga taong bayan, pati na rin sina Ibarra at Maria Clara, ay nakikinig sa kanya. Ang sermon niya ay nakaturo kay Ibarra at parang tinatawag siya ni Damaso na filibustero. Unting-unting kumukulo ang galit ni Ibarra hanggang ipinasok ni Damaso si Don Rafael sa kanyang sermon, ubod ng galit na tinamaan si Damaso sa ulo at nahimatay ito. Kumuha ng isang kutsilyo si Ibarra at tinapat ito sa leeg ng prayle. Nang pinigilan siya ni Maria Clara, umalis na lamang ang nahihiyang Ibarra.

Episode 2: Ang Isang Nababaliw na Bahay




Sa bahay ni Kapitan Tiago, malaking malaki ang problema ng maybahay na nagkakagulo na ang sarili niyang bahay. Nakikita si Maria Clara sa isang tabi, umiiyak, at kasama niya sina Andeng (ang kanyang kapatid) at si Tiya Isabel. Noong umiiyak si Maria Clara dahil di na niya makikita muli si Ibarra ay pinapayuhan na siya nina Andeng at Tiya Isabel pero di niya pinakikinggan ito. Habang nagkakagulo sa loob ng bahay dahil abalang abala si Tiago na maghanda ng bahay para sa di inaasahang pagdating ng Kapitan Heneral, at gusto niya mabigyan ito ng isang karapat-dapat na pagtanggap. Mamaya-maya ay pumunta patungo sa kumbento si Tiago at dito ay pinagsabihan siya ni Padre Sibyla na huwag tanggapin si Ibarra sa bahay niya at hindi na rin niya babayaran ang utang niya kay Ibarra.

Habang ito ay nangyayari, may isang kamag-anak ni Padre Damaso na papunta sa Pilipinas, ang magiging kasintahan ni Maria Clara. Noong sinabi ni Tiago ito, ayaw nang makinig si Maria Clara sa kanyang sinasabi at nagalit na rin si Tiya Isabel sa kanya (Tiago). Pagdating ng Kapitan Heneral ay napuno ng tao ang bahay ni Kapitan Tiago. Umalis si Maria Clara mula sa pagtitipon upang magdasal sa Birheng Maria at mamaya ay sinabihan siya ni Tiya Isabel na kakausapin siya ng Kapitan Heneral. Inayos ni Maria Clara ang sarili at humarap sa kanya (Kapitan Heneral).

Episode 3: Ang Kapitan Heneral

Pagkapasok pa lang ng Kapitan Heneral ay pinahanap na niya si Ibarra dahil naging interesado siya sa binata at ang mga aksyon niya. Mamaya-maya ay pumasok ang kanyang ayudante na nagsasabi na may isang taga-Maynila na gustong makipag-usap sa Kapitan Heneral. Nagtatampo na ang kaniyang Kataas-taasan dahil ginugulo ni Padre Damaso ang buong probinsya, di alam na hindi siya ang pinakamakapangyarihan dito sa probinsya. Sa pagtitipon ay makikita ang mga iba't ibang prayle tulad nina Sibyla at Salvi, maliban lamang kay Damaso. Noong ipinatawag ang mga prayle ng Reberensiya, tinanong niya ang mga prayle kung sino sa kanila ay si Padre Damaso ngunit sinabi ng mga prayle sa kanya na may sakit ang kaniyang hinahanap. Pagkatapos ay pumasok na sina Kapitan Tiago at Maria Clara. Sinabi ng Heneral kay Maria Clara na gusto niya pasalamatan at gantimpalaan ang bayan dahil sa lahat ng ginawa nila. Nang nais magsalita si Maria Clara ay pumasok ang ayudante and sinabi niyang nandiyan na si Ibarra. Nanginig si Maria at sinabi ng Heneral na nais niyang makipagpulong sa kanya ng mag-isa. Nang magkakita ang dalawang dating magkasintahan ay nagtinginan lamang sila sa isa't isa.

Kinausap naman ng Kapitan Heneral si Ibarra at sinasabi niya na tama ang ginawa niyang pagtanggol sa kanyang ama at kakausapin raw niya ang arsobispo tungkol sa isyung pagkaexkomunikado ni Ibarra. Habang sila'y nag-uusap ay pumasok naman ang alkalde sa usapin. Umalis na si Ibarra noong nag-uusap ang dalawang opisyal upang hanapin si Maria Clara at noong nahanap niya ito ay sinabihan siya ni Sinang na magsulat na lamang siya kay Maria dahil patungo na raw sila sa isang dulaan. Naiwan si Ibarra na nagtataka kung bakit sinabi sa kanya ni Sinang ang mga salitang iyon.

Episode 4: Ang Prusisyon

Ang maraming paputok sa labas ay nagsasabing nagsisimula na ang prusisyon. Maraming mga binata ay makikita sa labas na nagdadala ng mga parol at makikita ring magkakasama ang Kapitan Heneral, ang dalawa niyang ayudante, si Kapitan Tiago, ang Alkalde, ang alferez, at si Ibarra na nakikipag-usap sa isa't isa. Marami ring mga ibang taong makikita sa selebrasyong ito tulad ni Pilosopo Tasyo. May mga larawang ipinapakita rin sa prusisyon tulad ng mga larawan nina Hermano Tercero, Santa Maria Magdalena, San Francisco, San Juan Bautista, at iba pa. 

Ngunit, kahit man malapit ang prusisyon sa bahay nila, ang mga bintana ng bahay ng alferez ay nakapinid. Nakikita dito na si Donya Consolacion may mukhang may gawa nito. Ito ay dahil hindi siya ipinalabas ng alferez dahil mahihiya siya kung makikita ng ibang tao ang nakakatuwang kasuotan niya. Pero, sa kanyang pag-iisip, sinasabi niyang mas maganda siya kung ikukumpara kay Maria Clara. Ang pag-iisip na ito ay nagdulot ng pagkainis sa kanya kaya hinanap niya si Sisa at inutos niyang kumanta at sumayaw siya. Noong palaging di sinusunod ni Sisa ang kanyang mga utos ay mas lalo pang nagalit si Donya Consolacion at gumamit siya ng latigo upang umayos si Sisa pero, ayaw pa rin ni Sisa, at tuluyang nagalit na talaga si Donya Consolacion na dapat pa siyang pigilan ng alferez. Makikita sa huli na ubod na ng galit si Donya Consolacion at si Sisa ay umalis na ng bahay.

Episode 5: Kapangyarihan o Karapatan? 

Napunta sa dulaan ang pokus ng episode na ito. Ipinapakita ang pagkaraming taong tumutungo upang mapanood ang dulaang ito at makikita na malaki ang entabladong inihanda para lang sa dulaan. Makikita rin na pumunta ang mga kura, si Maria Clara, at pati na rin si Padre Salvi. Si Padre Salvi ay tumitingin kay Maria Clara pero hindi niya ito pinansin. 

Pagkatapos ng unang bahagi ay dumating si Ibarra. Tinawag siyang exkomunikado pero di niya ito pinansin. Mamaya-maya ay dumating ang dalawang guwardya sibil upang pigilin ang pagsasadula dahil hindi makatulog ang Alperez at si Donya Consolacion. Pagkatapos tangkaing pigilin ng mga guwardya sibil ang dulaan ay nagkagulo na. Habang nagkakagulo sa loob ay pumasok si Ibarra at hinanap si Maria Clara. Sa panahong ito, hiningan ng tenyente mayor ang tulong ni Ibarra upang mapigilan ito at si Ibarra naman ay nakiusap kay Elias na tulungan rin siya. Samantala, hinanap-hanap rin ni Padre Salvi si Maria Clara pero noong di niya makita ito ay tumungo agad siya sa bahay ni Kapitan Tiago at doon niya natuklasang nagpapahinga na ang dalaga dahil sa kaguluhang nangyari kanina. Si Ibarra naman ay nakauwi na pero palagi niyang iniisip si Maria Clara at ang mga nangyari sa kanya. Nang dumating si Elias ay nakipag-usap ang dalawa tungkol sa mga nangyari bago at habang nangyayari ang kaguluhan.

Episode 6: Ang Mag-Asawang de Espedana

Naging malungkot si Kapitan Tiago sa kanyang bahay dahil nagkasakit si Maria Clara. Nakipag-usap sina Tiago at Tiya Isabel upang maghanap ng isang solusyon upang mairesolba ang problema. Mamaya-maya ay dumating si Don Tiburcio de Espanada, kasama ang asawa niya na si Donya Victorina. Sinamahan nila ang isang binatang mala-kastila na si Linares upang matulungan si Maria Clara. Dumalaw rin si Padre Damaso kinausap si Maria Clara. Pumunta siya sa balkonahe pagkatapos makita si Maria Clara at doon ay umiyak siya. 

Nang makita ni Damaso si Linares, sinabi ni Linares kung sino siya, at siya ang naghahanap ng trabaho at mapangagasawa. Sinabi naman ni Damaso na tutulungan niya si Linares sa kanyang mga problema. 

Episode 7: Paggunita sa Kasalanan

Nagpakumpisal si Maria Clara at pagkatapos ay binantayan siya ng mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Samantala, pumunta si Kapitan Tiago pumunta sa Birhen ng Antipolo upang magdasal. Unti-unting bumababa na ang lagnat ni Maria Clara at ito ay naging pagtataka ni Don Tiburcio habang nasiyahan naman si Donya Consolacion. Napag-usapan naman na ililipat si Padre Damaso sa Tayabas pero baka malungkot si Maria Clara dahil ama niya ito. Mamaya-maya ay kinumpisal na naman si Maria Clara ni Padre Salvi at pagkatapos ay namutla at naging pawisan ang pari. 

Pinagkuhanan mula sa libro

Ang Aming Magiging Plano at Badyet

Ang aming plano para sa proyektong ito ay makagastos ng di lilipas ng 100 milyong pesos. Ito ay dahil ang masyadong malaki ang halagang ito na baka maubusan pa kami ng pondo. Ang mga pondo ay mapupunta sa aming mga aktor, ang mga pamasahe para sa pagbiyahe sa iba't ibang mga pook upang mag-film. Sa mga lugar na pwedeng puntahan, ang Intramuros ay isang mahalagang pook dahil ito ay nagmumukhang isang lugar na nandoon sa panahon ng mga kastila. Dahil dito, marami, kung hindi lahat, ng mga ipapakita ng bawat episode ay magaganap dito.

Para sa mga set design, iniisip naming magkaroon ng mga iba't ibang "authentic" na props tulad ng mga kostumes at mga kagamitan. Di naman kailangan maging masyandong "authentic" pero kahit maipakita kung paano makikita ang mga kagamitang ito noong panahong iyon.

Sa huli, ang iba sa aming badyet ay para sa mga sponsor dahil ang mga komersyal ay mahalaga lalo na sa isang teleserye tulad nito.